Primers

 

  1. Faisal M. Mangondato
  2. Agnes N. Escudero
  3. Josh Nalliw
  4. Ernesto Arellano

MAIKLING TALAMBUHAY NI ABOGADO

CARLOS G. SERAPIO (KUYA CHARLIE)

IPINANGANAK NOONG IKA-11 NG ABRIL 1950 KINA JUDGE MANUEL JN. LIRAG SERAPIO NG STA. MARIA AT OBANDO, BULACAN, AT GRACE TAQUEBAN GELACIO NG ILOCOS SUR AT BAYOMBONG, NUEVA VIZCAYA.

SA MURANG GULANG NA TATLO, NAKITA NIYA SA BAYAN NG OBANDO PAPAANO SUYUIN, HARANAHIN AT BUHATIN SA BALIKAT NG MAMAMAYAN ANG PILI NILANG MAMUNO SA KANILA.

LIMANG TAON SIYA NANG MAGKAMALAY SIYA SA LAYUNING MAGING ABOGADO.

PITONG TAON NAMAN SIYA NANG MASAKSIHAN NIYA ANG PAGPUPULONG NG KANYANG LOLO NA SI ABOGADO JOSE PEREZ SERAPIO AT DON CLARO M. RECTO NG NATIONALIST CITIZENS PARTY – NCP, ISANG IKATLO AT MALIIT NA PARTIDONG HIWALAY SA NACIONALISTA AT LIBERAL. NAGBUNGA ITO NG SUPORTA NG KANYANG LOLO SA KANDIDATURA NI RECTO SA PAGKA-PANGULO AT PAGTATAYO NG ARKO NG PAGPAPAHAYAG NITO.

NASA HIGH SCHOOL NAMAN SIYA NANG SUPORTAHAN NIYA ANG KANDIDATURA SA PAGKA-PANGULO NI RAUL S. MANGLAPUS NG PARTY FOR PHILIPPINE PROGRESS – PPP. ISA DING IKATLO AT MINORIDAD NA PARTIDO TULAD NG NCP NA NAGLALAYONG ISULONG ANG NASYONALISMO AT KATARUNGANG PANLIPUNAN.

SA PANAHON NAMAN NG AKTIBISMO NG MGA ESTUDYANTE AT KABATAAN, SA PAGITAN NG MGA NAGTATAGUYOD NG LIBERAL KAPITALISMO (MGA MODERATO) AT NG KOMUNISMO (MGA RADICAL). PINANGUNAHAN NIYA ANG IKATLONG PARAAN NG PAGBABAGO AT PAGKILOS BATAY SA KRISTIANISMO.

LUMAHOK SIYA BILANG ISA SA MGA PANGUNAHING NAGBUBUO NG LAHAT NA PAGTATANGKA NA BUMUO NG IKATLONG PARTIDO PARA SA PAGBABAGO: LABAN, PDP, CDP, UPDSP, NUCD, UMDP AT LAKAS TAO.

NGAYON SIYA ANG ‘FOUNDING CHAIRMAN’ NG KATIPUNAN NG KAMALAYANG KAYUMANGGI – KTPNAN PARTY ANG NATATANGING PARTIDO NA NASA LABAS NG LUMANG SISTEMA ANG PLATAPORMA AT PROGRAMA SA PAGKILOS. ITINATAG NOONG 2015. LUMAHOK NA MAY ISANG KANDIDATONG BATANG MUSLIM NOONG 2016 AT NAKAKUHA NG 800,000 BOTO.

NOONG 2019, NAKAPANGALAP NG KABUOANG HALOS 8,000,000 MILYONG BOTO.

ANG PINAKAMATAAS NA HALOS DALAWANG MILYON (2M) BOTO AY ANG MUSLIM NA PANGULO NG PARTIDO[1] ANG NAKAKUHA; ANG IKALAWA AY KATUTUBO SA TIMOG NA MAY HALOS ISA’T KALAHATING MILYON (1.5M)2 NA BOTO; SAMANTALANG ANG KATUTUBONG KANDIDATO NA BATANG ABOGADO3 SA IFUGAO AY NANGUNA SA LALAWIGAN AT TINALO NG MAHIGIT 30,000 BOTO ANG LUMABAS NA NO. 1 SA LABANAN SA PAGKA-SENADOR; ANG KANDIDATO NG PARTIDO SA SECTOR NG PAGGAWA4 AY SIYANG NANGUNA NG MAY HALOS ISANG MILYONG BOTO, SAMANTALANG ANG MGA KANDIDATO SA KA – ILOKANOHAN, KABIKOLAN AT KABISAYAAN AY NAKAKUHA NG PINAGSAMANG BOTO NA TATLONG MILYON (3M) BOTO. ANG MGA BOTONG NAKALAP NG MGA KANDIDATO NG PARTIDO AY SUMASAGISAG AT KUMAKATAWAN SA HANGARIN NG TUNAY NA PAGBABAGO NI KUYA CHARLIE SERAPIO AT NG MILYONG-MILYONG PILIPINO.

NAG-ARAL SI KUYA CHARLIE SA MGA SUMUSUNOD NA PAARALAN: SAN PASCUAL INSTITUTE, OUR LADY OF GRACE, ST. JAMES ACADEMY, ATENEO DE MANILA, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SA LABAS NG BANSA, MAIIKLING KURSO SA SANGAMON COLLEGE, UNIVERSITY OF ILLINOIS SA AMERIKA AT KEIO UNIVERSITY SA JAPAN. SIYA AY ISANG USIS GRANTEE.

NAGING ‘MOST OUTSTANDING STUDENT’ SA HIGH SCHOOL AT DEAN’S LISTER NA MAY FIRST AT SECOND HONORS SA ATENEO.

SIYA AY NAG-ABOGADO PARA SA MGA MANGGAGAWA, MAGSASAKA AT MARALITANG TAGA-LUNGSOD, SA MGA MALILIIT AT KAPOS PALAD.

NAGTATATAG NG LEGAL DEPARTMENT NG FEDERATION FREE WORKERS –FFW AT NAGING CHIEF LEGAL COUNSEL NITO. NAKARANAS HUMIMAS NG REHAS DAHIL SA PAMPULITIKANG PANININDIGAN.

BINALANGKAS AT SINUNOD NIYA ANG PRINSIPYO NA ‘SA PANAHON NG KAPAYAPAAN AT KAPANATAGAN, ANG BATAS AY DAPAT MAGPANATILI SA KAAYUSANG ITO SAMANTALANG SA PANAHON NG LIGALIG SA LIPUNAN, ANG BATAS AY DAPAT MAGING KASANGKAPAN NG PANLIPUNANG PAGBABAGO’. TAGAPAGSULONG SIYA NG ‘LEGAL ENGINEERING’ AT NAGBAHAGI NG ‘INPUTS’ SA PUNO BAYANIHAN FEDERAL CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

SI KUYA CHARLIE ANG PUNONG-TAGA PANGASIWANG ABOGADO NG “SERAPIO AND DE CASTRO LAW OFFICE” (SDC LAW).

ANG KARANASAN AT PAGLALAKBAY NIYA BILANG ESPIRITUAL AT POLITIKAL NA LIDER AY MAHIGIT SA 50 TAON NA:

  • GEN. NG CHRISTIAN NATIONALIST UNION – CNU NA PINAMUNUAN NI FVR BUDGET AND FINANCE SECRETARY JUN ENRIQUEZ;
  • LIDER KABATAAN SA KANYANG ‘BARRIO’.
  • PANGULO, TAPOS VICE-CHAIRMAN NG ARCHDIOCESE AT NATIONAL SECRETARY GENERAL NG STUDENT CATHOLIC ACTION.
  • STUDENT DELEGATE TO THE PAPAL VISIT OF POPE PAUL VI.
  • SPECIAL AUDIENCE WITH POPE ST. JOHN PAUL II AND POPE FRANCIS.
  • ATTENDANCE IN THE CANONIZATION OF ST. PEDRO CALUNGSOD, WITH POPE BENEDICT XVI PRESIDING.
  • PARTICIPATED IN THE ORGANIZING COMMITTEE FOR THE VISIT OF POPE FRANCIS
  • FOUNDING TRUSTEE OF MARIAN DEVOTIONAL GROUPS (MAGNIFICAT, PUEBLO AMANTE MARIA MARIOLOGICAL SOCIETY OF THE PHILIPPINES-PAMMSPHIL), AWIT NG BAYAN NI MARIA – ABAMA, MAGNIFICAT DEVOTEES OF OUR LADY OF THE MOST HOLY ROSARY OF LA NAVAL.
  • ORDO ECCLESIARIS AT ORDO NAZARENI – JESUS NAZARENO REY FILIPINORUM – INRF.
  • FOUNDING ORGANIZER NG GLOBAL VILLAGERS CLUB HK, SG, JAPAN, USA, ISANG OFW SERVICE NETWORK.
  • KPM-KKK – KAMALAYANG PINOY MOVEMENT – KATIPUNAN NG KAMALAYANG KAYUMANGGI – PARTY OF THE MALAY RACE
  • KEP-SG – KAPATIRAN NG ESPIRITUAL NG PILIPINAS (BROTHERHOOD OF SPIRITUAL GROUPS IN THE PHILIPPINES) – SPIRITUAL GOVERNMENT.
  • BSBP – BAGONG SISTEMA BAGONG PAG-ASA (NEW SYSTEM NEW HOPE)
  • KBK – SOVEREIGN PEOPLE FOUNDATION
  • NAKA-TRABAHO NG MGA CARDINAL, OBISPO, PARI AT MADRE HEADED THE SOCIAL INSTITUTE FOR THE MINDS OF THE NATION (SIMON) SA PANAHON NI PRES. FVR.
  • HEAD OF INTERFAITH ORGANIZING COMMITTEE IN THE OFFICE OF THE PRESIDENT
  • SPEAKER, U.N. INTERFAITH ORGANIZATION
  • KAGAWAD, ACTING BRGY. CAPTAIN.
  • CPRM-UNDP-CONSULTANT.
  • CONSULTANT, FORMAL AND INFORMAL SA 5 PRESIDENTE.
  • PERSONAL ENGAGEMENTS SA HALOS LAHAT NA ELDER NATIONAL STATESMEN AT POLITICIANS.
  • AUTHOR, CHRISTIANISM: A PHILOSOPHICAL GUIDE TO POLITICAL PRAXIS; OTHER SPIRITUAL – POLITICAL ARTICLES.

LAHAT NG UGNAYANG ITO SA POLITIKA AY MAY MGA MAPUPULOT NA GININTOANG ARAL NA NAGING BATAYAN NG IBA’T IBANG PANUKALA AT POLICY INPUTS.

ANG MGA BINIGAY NG PINAKADAKILANG LUMALANG NA MGA BIYAYANG BUNGA NG KARANASAN SA PAGLALAKBAY NA ITO ANG LAYON NIYA PONG IBAHAGI TUNGO SA TUNAY NA PAGBABAGO: ANG PAG-IGPAW NG ISANG PAG-IBIG NA KAMALAYAN, ANG PAG-IBIG SA DIYOS AY PAG-IBIG SA BAYAN!

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGTATAGUYOD!!

You cannot copy content of this page