Origin and History

Origin:

Ang Espiritu, Kaluluwa at Kamalayan ng Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi – Katipunan Party ay Karugtong ng Kasaysayan ng Lahing Malay at ng Kataastaasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan Kasama ng “Propaganda Movement” na Nagsindi sa Ilaw ng ating Pagsasarili Bilang Isang Bansa. Nakakabit ang Pusod ng Katipunan Party sa mga Bayaning naging Saligan ng Pagtatatag ng Isang Bansa na Espiritual ang Diwa at Binubuhay ng Espiritu ng Pag-Ibig.

History:

Ang Katipunan Ng Kamalayang Kayumanggi – KATIPUNAN PARTY ay Hugot sa Mahabang Kasaysayan ng mga Pagtatangkang Magbuo ng Isang Kilusan at Sasakyan ng mas Malawak na hanay ng Mamamayan na kaiba sa mga Tradisyonal na Partido ng mga Elitista o ng kanilang paksyon sa umiiral na Lumang Sistema.

Nagsimula ito sa pagsasanib ng mga Elitistang Lider na may kakaibang Pambansa at Panlipunang Pananaw sa Kanilang mga Kauri at mga Bagong Sibol na Lider Kabataan na Sumisigaw at Nagsusulong ng Pagbabago.

Ang Nationalist Citizens’ Party – NCP ni Don Claro M. Recto, ang Progressive party of the Philippines ni dating Senador Raul Manglapus at ng Lakas Tao ni dating Pangulong Ramos ay ilan lang sa Pinagsimulan Nito.

Ang Katipunan Party ang Pinakahuling Salamin sa Layunin ng Pagbabalik ng ganap na Kapangyarihan sa Taong Bayan.

Iniluwal ito mula sa Kamalayang Pinoy Movement – KPM na binuo ang Konsepto, Simulain at Adhikain sa Pamamagitan ng Pag-akay ng ‘Development Academy of the Philippines’.

Sa Paglilinang ng “Vision, Mission at Organization” ng KPM, Pinanday ang Kakaibang Kamalayan at Kaisipan na Tumalikod sa Lumang Sistema ng Pulitika na Binansagan nilang “Political Insanity”, ang Pabalik-balik na Pagsasagawa ng Pulitika ng Pera, Popularidad at Personalidad na walang Malinaw at Matibay na Tinitindigang Prinsipyo na umaasa na maiiba ang bunga. Tinukoy nila itong Kabaliwan, Kahibangan at Kahangalan. Naging Kilusan ito sa Pagpapalaganap ng Bagong Pananaw, Paninindigan at Pamamaraan tungo sa isang Bagong Kultura mula sa Pulitika.

Kaalinsabay nito ay ang Paglulunsad ng Kapatirang Espiritual Ng Pilipinas, ang Ikalawang Yugto ng Panawagan na Magtatag ng isang Pamahalaan na Ginagabayan ng Banal na Espiritu at Karunungan ng Pinakadakilang Lumalang. Binigyan nila ito ng anyong Pederal at Parliamento na umiiral na sa hanay nila ng Mahigit Sampong Taon na.

Magkasabay nag-kumbensyon ang kapatirang Espiritual ng Pilipinas – KEP-SG Spiritual Government at Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi – Katipunan Party sa St. Theresa’s, Cebu City noong ika-27 Hunyo 2014, Matapos ang Mahigit isang taong Pag-oorganisa at Pagtapos ng mga Kailangang Dokumento.

Ang Sumunod ay Pagkarehistro ng KATIPUNAN PARTY noong ika-13 Oktubre 2015, Dakilang Pista ng Fatima ng Mahal na Ina.

Patuloy ang Partido sa Pagsulong sa Kapangyarihan sa Pag-gabay ng Banal na Espiritu na Nakaluklok sa Mahal na Ina, sa Diwa ng Pagpapakasakit ng Anak na Haring Panginoon at sa walang hanggang Pag-Ibig ng Pinakadakilang Ama na Katipan ng Minamahal na Bayan, ang kanyang Lupang Hinirang.

You cannot copy content of this page